Miyerkules, Hulyo 23, 2014

Tadhana, Makisama ka naman Plith!!





( photo from the internet )


Magaling ka, alam mo lahat, mahusay ka sa lahat na ginagawa mo. Komportable ka kahit anong gagawin mo kasi maitatawid mo yan. Ginawa mo na lahat, binigay mo na best mo. Bakit ganun fail pa din?! Kahit anong gawin mo ayaw talaga makisama ang tadhana, ang sakit- sakit noh?

Ilang beses mo na ba naisip na kahit anong gawin mo, eh wala pa din? Ilang beses ka na ba nawalan ng pag-asa sa mga bagay-bagay? Feel mo ba na ikaw yong pinaka bobong tao sa mundo? Ilang ulit mo na ba na disappoint ang mga taong mahal mo at mahal ka? 

Well, di naman ikaw ang nakaramdam ng ganyan eh, halos lahat ng tao sa mundo nakaranas nang ganyan na parang walang pag-asa sa mundo. Kahit anong gawing, eh wala eh, edi ganun talaga ano magagawa ko. 

Alam mo ba na lahat ng bagay ay mayroong tamang timing, na unang beses mo lang ginawa ayun sapul ang jackpot, nakuha mo na gusto mo. Kasi kung para sayo, sayo talaga. Kapag hindi ay try again later na lang peg. Pag may pagkakataon ka ulet try your very best ika nga baka mapasayo na yong hinihiling mong work or kahit ano. Dasal ka lang lagi kasi kahit anong gawin mo pag ialay mo lahat kay Lord lahat ay possible.

Ganyan naman ang buhay ehh, pag hindi sayo , kahit gusto mo talaga ang isang bagay hintay ka lng ng tamang pagkakataon para masapasayo na yong gusto mong makatamtan. Sabi nga nila "Try and try until you succeed" ika nga.

Nagmamahal,

Shebang


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento